I'm soooo into calligraphy kahit hindi naman talaga ako artist. Kumbaga, self proclaimed lang talaga ako kasi artist mga kapatid ko kaya, nag fe-feeling na rin ako.Nasa lahi namin ang magaling mag drawing pero ako ang isa sa mga hindi naabutan ng biyayang sinalo ng mga ninuno ko. Nung nag paulan ng talent sa pag drawing, tulog ata ako. Nkklk!!! hindi na nga marunong kumanta at sumayaw, sumablay pa sa pag do-drawing.
I once dreamed na maging artist someday, ngunit hindi ako nakatadhana sa ganung bagay. Sabi ko noon, gaya ng mga tita ko, gusto ko rin maging architect, kaso lately i realized na hindi ako magaling sa math na may pinakamataas na units sa architecture. So yun, di ko na tinuloy mamaya mag ka sardinas yung tor ko eh. (555 Sardines) edi ikinahiya na ko ng magulang ko.
Going back, dahil nga sobrang frustrated ako. Nag try ako mag lettering (calligraphy pag burgis) medj okay naman yung kinalabasan hanggang sa naging hobby ko na talaga. Kahit na sobrang masakit sa bulsa tong kalokohan ko tinuloy ko parin. Lagi akong napagsasabihan na nagaaksaya ako ng gel pen. So what naman? Happiness is indeed expensive. Feeling ko kasi comfort zone ko talaga to, kahit na pinapatay na ko ng tambak tambak na acads sige lang. Stress reliever ko talaga ang pag express ng kaartehan ko. At everytime may nakakaappreciate ng gawa ko, nakakawala ng pagod at masasabi mo lang "Wooh, worth it ang pagubos ko sa gelpen ko."
So eto na talaga, patapos na ang non-sense blog post ko, masasabi mo na lang, Yes tapos na. Ang corny ng blog post nya. Pero, gaya ng sinabi ko nung una, hindi talaga ko magaling, dahil sa pag susumikap ko nagimprove naman ako at ang mga gawa ko. So yan try and try until you suceed. Sabi nga ni vice ganda, Go lang ng go.
Here are the pictures of my oh so called master piece. I would appreciate it so much if you finish up to this point. Well then enjoy!